Gen. Eleazar aalisin ang “palakasan system” sa recruitment ng PNP

Aalisin ni PNP Chief Guillermo Eleazar ang palakasan system sa recruitment ng Philippine National Police upang mahinto ang ugat ng korapsyon sa kanilang hanay.

Ayon pa sa PNP Chief, mayroon silang 17 thousand na quota para sa karagdagang puwersa ng pambansang pulisya sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Kaugnay nito, aalisin niya ang nakasanayang padrino system o palakasan system para makapasok sa PNP na wala naman talagang nagagawang tulong sa para mapabilang sa kanilang hanay.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Binigyang diin nito na ang nakasanayang sistema ay nagiging ugat lamang ng korapsyon sa PNP at sisikapin umano ni Gen. Eleazar na ang mailagay na maging meyembro ng PNP ay yung mga karapdapat at hindi produkto ng palakasan o ng korapsyon.