Dalawang piraso ng mga pampasabog na pinaniniwalaang ibinaon ng mga rebeldeng NPA ang narekober ng mga otoridad sa Brgy. Disisuan, San Mariano, Isabela.
Ayon sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), ang mga explosive devises ay narekober ng magkatuwang na pwersa ng mga kasapi ng San Mariano Police Station at Provincial Explosive Canine Unit (PECU).
Ito ay matapos umanong ipagbigay-alam sa kanila ng isang concerned citizen kung saan ibinaon ng mga rebeldeng pangkat ang mga pampasabog sa bukirin ni Brgy. Kapitan Reynaldo Guttierez ng nabanggit na lugar.
Nakuha ng mga operatiba ang isang piraso ng hand grenade HE fragmentation MK2 at isang piraso ng projectile 60mm HE.
Dinala ang mga narekober na pampasabog sa himpilan ng PECU sa IPPO para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Photo/IPPO