KAKAIBA ang ritual na nakagawian ng mga Hindu Brides sa India, dahil ang ilan sa mga tradisyunal na kasalan doon, imbes sa daliri sa kamay ng mga brides isinusuot ang wedding ring , inilalagay nila ito sa daliri ng kanilang mga paa.
Ayon sa isang pahayag, ginaganap ang gantong klaseng seremonya kung saan ang pagsunod nila sa bichiya na karaniwang singsing na silver, ang isinusuot ng groom sa great toe ng kanyang bride o katabing hinlalaking daliri sa kaliwang paa nito, sa halip na sa kaliwang palasing-singsingan.
Ayon pa sakanilang kultura, ang bichiya ay isinusuot lamang ng mga babaeng may asawa sa kanilang bansa, kung saan tanda umano ito bilang pagsalubong ng isang bagong kasal na babae sa bagong yugto ng buhay niya bilang may bahay. ###CD