Isinagawa ng Local Government Unit ng Echague, Isabela ang Kick-Off Ceremony ng Save the Cave Project sa Dipaniong Cave noong ika-12 ng Hunyo.
Nilahukan ito ng iba’t ibang mga LGU personnel, PNP, BFP, Armed Forces of the Philippines, DepEd, at marami pang iba.
Kaugnay nito, nasa 300 na Narra seedlings naman ang itinanim sa area ng kweba na magsisilbing pamalit sa mga puno na nakalbo dahil sa mga maling gawain.
Sa panayam ng Brigada News Team kay Danielle Rebollos, ang Information Officer ng LGU Echague, isinagawa aniya nila ang proyekto upang matiyak na bago ma-feature ang Dipaniong Cave sa publiko ay malago na ang mga itinanim na puno.
Aniya, wala pang tiyak na petsa kung kailan magiging bukas sa publiko ang Dipaniong Cave pero sinisiguro nila na magiging “flawless” ang pagbubukas nito.
Nasa 90% na rin ang konstruksiyon ng kalsada papunta sa cave kung saan mula sa dating halos isang araw na biyahe mula town proper ay nasa dalawang oras na lamang sa ngayon.
Matatagpuan ang Dipaniong Cave sa Brgy. San Miguel, Echague, Isabela.