Mga hindi rehistradong sasakyan at walang lisensiyang driver na papasok sa Naga City ngayong Semana Santa sisitahin –LTO

NAGA CITY – Makikita pa rin sa mga pangunahing kalsada ng Naga City ang mga personahe Naga City Police Office, Public Safety Office at Land Transportation Office sa pagpatupad ng nagpapatuloy na One Time Big Time na inaasahan ang pagdami ng mga bilang na papasok sa lungsod ngayong Semana Santa.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Grace Rojas, head ng LTO-Naga, sinabi nitong may shifting sila ng mga personahe nila sa pag trabaho  ngayon buong linggo, ang iba naka-duty at iba naman ay naka-leave  para kahit papano ay maramdaman nila ang kahulugan ng Semana Santa, ang pagnilay-nilay kasama ang buong pamilya.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kaugnay nito nagkaroon din sila ng pag inspeksyon sa mga pampublikong sasakyan sa Bicol Central Station at natuklasan nilang may mga paglabag.