Mga hindi nagbabayad ng tamang buwis sa Sorsogon binalaan ng BIR

SORSOGON CITY—Binalaan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Sorsogon ang lahat ng mga tax payers sa lalawigan na mag-isip isip na habang maaga pa at magdeklara na ng tamang buwis na kanilang dapat bayaran.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay BIR-Sorsogon Revenue District Officer Princini Parco, sinabi nito na nakaline-up na ang kanilang enforcement activities ngayong taon upang habulin ang mga buwis na hindi pa nila nakokolekta.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Kabilang na rito ang “Oplan Kandado” kung saan magsasagawa muna sila ng mahigpitang surveillance activity sa loob ng sampong araw upang matiyak na lehitimo ang kanilang operasyon laban sa mga pasaway na taxpayer, gayundin ang tinatawag na post evaluation upang malaman ang kabuuang Value Added taxes ng mga ito.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Panawagan ng opisyal sa lahat na ibigay ang isanaang porsyentong kooperasyon dahil wala naman umanong  ibang magbebenipisyo kung kumpleto ang nakokolektang buwis kundi ang taumbayan sa pamamagitan ng mga proyektong dapat paglaanan ng pondo ng gobyerno.