Mga hakbang sa pagpapalakas ng Technical Vocational Education Training sa SHS Curriculum, sinisimulan na sa Camarines Sur

NAGA CITY -Sinisimulan na ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Bicol ang mga hakbang para palakasin ang Technical Vocational Education Training (TVET) sa Senior High School Curriculum sa mga paaralan ng Camarines Sur.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Joel L. Navarro, hepe ng Regional Operations Division ng TESDA Bicol, sinabing sinisimulan na nilang bigyan ng mga National Certificate II (NC II) Training at National Assessment ang mga guro sa TVL sa ilalim ng Senior High School Curriculum mula sa Camarines Sur upang mabigyan ng sapat at tamang paglinang sa kakayahan ang mga mag-aaral.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Sa ngayon, wala pa sa kalahating porysento ng mga guro ang nabibigyan nila ng training dahil kakasimula pa lamang nila noong Pebrero. Matatandaan na nagpalabas ng pahayag si TESDA Deputy Director General Rosanna Urdaneta hinggil sa pagpapalakas ng implementasyon ng TVET sa SHS Curriculum upang malinang ng husto ang kanilang kakayahan at mapataas ang competency level pagdating sa trabaho.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu