Mga hakbang para matiyak ang purchasing power ng Pinoy, tiniyak ng NEDA

Tiniyak ng National Economic Development Authority o NEDA na patuloy na gumagawa ng paraan ang pamahalaan para matiyak ang purchasing power ng mga Pilipino.

Kasunod ito ng inilabas na report ng Philippine Statistics Authority o PSA na bahagyang bumaba ang inflation sa huling buwan ng 2023 sa 3.9 percent mula sa 4.1% noong Nobyembre.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Kasabay nito pinuri ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan ang napapanahong pag labas kamakailan ni Pangulong Bongbong Marcos ng Executive Order no. 50 na nagpalawig sa Most Favored Nation MFN reduced tariff rates sa ilang agricultural products tulad ng bigas, mais at baboy upang matiyak ang sapat na supply ng pagkain para sa mga Pilipino at maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga ito.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Mahigpit ring naka subaybay ang Interagency Committee on Inflation and Market Outlook sa gitna ng pagtaas ng international price ng bigas at ang inaasahang negatibong epekto ng El Niño phenomenon, para mag mungkahi ng mga temporary tariff adjustment kung kinakailangan.