Inihayag ng SB19 at Ben&Ben na kapuwa na-hack ang official YouTube account ng mga ito.
Ayon sa SB19 nag-karoon ng kompormiso ang kanilang YT account.

Inanunsyo naman ng Ben&Ben na hindi rin pinalagpas ng mga hacker ang YT account ng mga ito at sinabing inaayos na nila ito sa lalong madaling panahon.
Makikita sa YouTube na cryptocurrency-related video na ito ngunit nanatili pa rin naman ang mga dating music videos at vlogs ng grupo.
Agad naman inaksyunan ng grupo at sinabi na “under control” na ang lahat.
Patuloy naman ang pag-gawa ng paraan para maprotektahan ang mga account ng mga ito, nagpasalamat naman sa mga fans ang SB19 sa patuloy na pagsuporta sa kanila. (BRIGADA NEWS INTERN – JESSA QUIROZ)