NAGA CITY – Hanggang ngayong araw na lamang ang isinasagawang Special Recruitment Activity sa bayan ng Buhi, Camarines Sur, kung saan para ito sa mga nais na makapagtrabaho sa ibang bansa.
Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay Mark Nazarrea, Tagapagsalita ng LGU Buhi, sinabi nitong mahina ang turn out ng nasabing akitibidad, bagamat maluwang na ngayon kakaunti ang gustong na makapagtrabaho abroad. Posibleng dahil sa takot ang ilan at ayaw bumalik ng iba. Inaasahan sana na nila na marami ang magnanais lalo na marami ang nawalan ng hanapbuhay.
Ibinaba sa mga munisipalidad ang proseso pamamagitan ng Public Employment Service Office (Peso) upang mapadali at hindi na pupunta pa ng Maynila para mag-apply.
Bansang Kuwait, Malaysia, Oman bilang Domestic Worker ang ino-offer sa bayan at bukas sa lahat ng may gusto at kakayahang makapagtrabaho sa ibang bansa.
Idinagdag pa ni Nazarrea na nakaramihan talaga ng gusto ng ibang lahi ay mga Pilipino dahil sa kilala sa pagiging mabait at responsible. Dagdag nito hindi dapat minamaliit o ikinahihiya ang paggiging Domestic Worker dahil hindi rin biro ang mga trabaho.