Tuloy pa rin ang taas-singil sa toll sa NLEX ngayong araw sa kabila ng panawagan ng ilang senador na huwag munang magpatupad ng singil.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Toll Regulatory Board (TRB) Spokesman Julius Corpuz na ilang beses na naglathala at naglabas ng abiso ang TRB sa petisyon ng mga nangangasiwa sa NLEX subalit walang tumutol o kumontra dito.
Ayon kay Corpuz, ipapatupad na ang P7 na taas-singil sa NLEX toll ng mga Class 1 vehicles, P17 para sa Class 2 at P19 para sa Class 3 vehicles.

Nanawagan naman ito sa mga motorista na unawain ang toll fee hike dahil para aniya ito sa mas mahusay na serbisyo sa NLEX at programa para sa mas maayos na paggamit sa expressway. //CA, edited MHEL PACIA