COTABATO CITY – Nasa mahigit 17 million pesos na ang nailaang alokasyon ng Ministry of Science and Technology o MOST para sa first at second batch grantees ng Bangsamoro Assistance for Science Education o BASE Program para sa kasalukuyang taong.
Ayon kay MOST Minister Aida Silongan, tuloy tuloy na nakakatanggap ng cash assistance ang mga 1st batch grantees ng nasabing programa. Sa kasalukuyan nasa 10 milyong piso na rin ang na disbursed ng Ministry para sa kanila samantalang nakatakda namang maglaan ng karagdagang 7.6 million pesos budget ang MOST para sa 2nd batch grantees.
Sa kabuuan ay nasa 126 na mga mag aaral ang nakabenipisyo ng naturang programa kung saan tumanggap ang mga ito ng 8,000 pesos allowance kada buwan.