Mga gorilla sa Atlanta Zoo, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang maraming gorilla sa isang Zoo sa Atlanta, Georgia.

Minabuti ng mga otoridad na ipasuri ang mga western lowland gorillas matapos nilang maobserbahan sa mga ito na meron silang ubo at iba pang mga sintomas.

Base sa inisyal na pagsusuri ay positibo sila sa SARS-CoV-2 virus, na nagdudulot ng COVID-19.

Ginagamot naman ang mga gorillas na nanganganib na mag-develop ng kumplikasyon gamit ang monoclonal antibodies habang isinailalim na rin sa pagsusuri ang buong 20 populasyon ng mga gorilla sa zoo.

Samantala, sinabi ng Zoo Atlanta na nakakuha na ito ng otorisasyon para gamitin sa mga gorilla nito ang Zoetis Covid vaccine, na dinivelop para sa mga hayop.

Kasama rin sa tuturukan ng zoo ay ang mga orangutans, Sumatran tigers, African lions, at clouded leopard.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *