Bilang ng aktibong kaso at pagkasawi dahil sa COVID-19 sa Camarines Norte nadagdagan nitong weekend

CAMARINES NORTE – Umakyat ang bilang ng mga aktibong kaso at mga nawalan ng buhay dahil sa COVID-19 sa Camarines Norte nitong weekend

Sa ipinalabas na case bulletin report ng DOH Bicol nakapagtala ng 34 na bagong kaso nitong sabado kung saan tig-10 kaso ang naitala mula sa bayan ng Daet at Jose Panganiban, 6 sa Mercedes, 4 sa labo tig-i-isang kaso naman ang naitala sa mga bayan ng Basud, Paracale, Talisay at Vinzons

Habang nitong lingo ay naitala ang isang bagong kaso mula sa bayan ng Talisay

3 naman ang naitalang kaso ng mga nasawi dahil sa COVID-19 nitong sabado

Bunsod nito, nakapagtala na ang lalawigan ng 2,112 total cases

Ang aktibong kaso ng sakit ay sumampa na sa 605 habang umaabot na 82 ang bilang ng ma nasasawi

Nananatili naman sa 1,425 ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *