Nakatakdang talakayin ngayong araw ng League of Provinces of the Philippines (LPP) ang mga patakaran ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa COVID-19 pandemic sa gitna ng lumolobong infection rate sa bansa.
Sa panayam kay LPP president Marinduque governor Presbitero Velasco Jr., inihayag niya malapit ng umabot sa maximum capacity ang mga health facilities at mga ospital sa bansa.

Hiniling din ni Velasco sa gobyerno na tignan ang suplay ng oxygen tanks sa Pilipinas.
Noong Lunes, umabot sa 1.5 ang reproduction number ng COVID-19 sa Pilipinas ayon sa OCTA Research group at patuloy pa rin itong tumataas hanggang sa kasalukuyan.