Mahigit 100,000 violators, naitala sa NCR sa gitna ng ECQ

Naitala ang mahigit 109,000 violators sa National Capital Region (NCR) ngayong nakasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang rehiyon.

Ayon kay Philippine National Police chief Police General Guillermo Eleazar, nasa 9,000 violators ang naitatala sa Metro Manila kada araw.

Sa buong bansa, 507,000 violators na ang naitala ng PNP at mayroong daily average na 43,000 violators.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Sinabi ng PNP chief na 79% sa violators na ito ay nakatanggap ng paunang warning, 13% ang pinagmulta, at 8% ang dinala sa istasyon ng pulis para sa iba pang paglabag.

Dagdag niya, 80% sa mga violators ay sinita dahil sa paglabag sa minimum public health standards, 14% ay dahil sa paglabag sa curfew, at ang natitirang 6% ay dahil sa paglabas ng mga ito kahit hindi sila awtorisadong lumabas sa kanilang mga tirahan.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Nakasailalim sa ECQ ang NCR mula August 6 hanggang 20 para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng Delta coronavirus variant sa bansa.