Mga gagamiting evacuation centers sa bayan ng Daraga, Albay, inihahanda na ng LGU

LEGAZPI CITY – Ipinag-utos na ng local na pamahalaan ng Daraga sa lahat ng mga barangay na maging alerto na ang mga BDRRMCs lalo na ang mga nasa low lying areas, flashflood-prone areas, mudflow o lahar-prone areas.

Ayon kay Mayor Arwin Baldo ng Daraga, inihahanda na rin nito ang mga gagamitin ng mga evacuees na evacuation center sa mga paaralan.

Inikot na nito ang mga designadong paaralan sakaling magpatupad ngayong araw ng mandatory evacuation dahil sa nasabing bagyo.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Kabilang sa mga lilikas sa Daraga North Central School ay ang mga barangay ng Kimantong, Sipi, San Roque, at Bagumbayan; sa Daraga National Highschool naman ay ang Brgy. Sagpon, Maroroy, at Matnog; sa Daraga Community College (DCOMC) ay ang Brgy. Salvacion, at Mi-si; sa Busay Elementary School ay ang Brgy. Busay, at Bañag.

Bukas din ang ilang mga pasilidad katulad ng AECID Hall ng MSWDO at Daraga Public Market, kung saan gagamitin ito ng mga taga Market Site at  Brgy. Ilawod.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Paalala ng alkalde sa mga residente na ihanda na ang kanilang mga gagamitin o dadalhin patungo sa mga nabanggit na pasilidad upang wala umanong poproblemahin pa.

Inalerto na rin ang lahat na MDRRMC at nakaistandby na rin ang kanilang gagamitin sa paglilikas katuwang ang PNP, Philippine Army, Philippine Coast Guard at Barangay Officials.