Bilang ng fully vaccinated na vs. Covid-19 sa Region 2, halos 400,000 na

Halos umabot na sa 400, 000 na ang bilang ng mga indibidwal ang fully vaccinated na kontra COVID-19 sa buong lambak ng Cagayan.

Sa datos ng Department of Health Region 2, mayroon ng 399, 448 ang kabuoang bilang ng mga fully vaccinated na sa rehiyon na mga kabilang sa priority group A1 hangang A5.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Habang nasa 607, 203 naman na mga indibidwal ang nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Samantala, mayroon na ring 627 na kabilang sa priority group B ang nabakunahan na.

Tumaas naman ang porsyento ng mga nababakunahan na kabilang sa A2 o mga senior citizens na umabot na sa 230, 736 at 192, 959 naman sa mga adult with comorbidities.