NAGA CITY – Umaasa ang mga food vendor sa Naga City, na mas kikita sila ngayong paparating na Peñafrancia Fiesta lalo na dahil inaasahan din ang mas maraming bibisita ngayong may selebrasyon sa lungsod.
Sa panayam kay Joby Paunil, Plaza Food Vendor Association President, sinabi nitong kumpara noong pandemya paunti-unti na silang nakakabawi sa kabila rin na sila ay apektado ng pagtaas ng ilang bilihin katulad ng mantika at LPG na kinakailangan din nilang taasan ang presyo ng paninda, tulad ng kwek-kwek na P20.00 na ang isa, sa kikiam sampung piraso, P20.00 ang presyo maging sa fish ball.
Kaya kahit papaano ay natutugunan ang pangangailan, mababa na rin kasi ang P7, 000 na kita araw-araw.
Bilang preparasyon na rin nila ngayong Peñafrancia Festival, sinisiguro ng opisyal ang kalinisan at kaayusan ng kanilang mga paninda lalo responsibilidad nila ito bilang isang negosyante o manininda.