Mga Fisherfolks Association ng Barangay Baretto mabibigyan ng pwesto sa Olongapo City

Mabibigyan na ng pwesto sa Olongapo City ang mga Fisherfolks Association ng Barangay Baretto.

Ito ay para maibenta ng mga ito ang mga produktong mula sa mga natutunan sa livelihood trainings na isinagawa ng Bureau Of Fishiries And Aquatic Resources o BFAR at ng lokal na pamahalaan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Matatandaan na dati ay online selling lang paraan ng mga magtitinda dahil walang mapagpwestuhang akma para sa ibenebentang mga produkto.

Ayon kay Olongapo City Fishery Officer-In Charge Francis Ela Maniago sa ngayon ay tinugunan na ng lokal na pamahalaan ang hiling ng samahan na mabigyan ng pwesto sa city hall.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Samantala inaantay na rin lang ng city government kung kailan maglalagay ng mga produkto sa isa sa mga lugar sa city hall na inilaan para sa display ng mga produkto.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Marites Miranda

May be an image of text that says 'Garlic is known to be a Natural Antibiotic Power Fact It has long been tought to have antimicrobial properties. A study found that concentrated garlic is effecive against bacteria. Power Cells ang Sakit! Tuldukan HERBAL CAPSULE'