Mga evacuees sa Bulusan volcano eruption, pinauwi na; 2 indibidwal pinaiwan matapos makitaan ng flu-like symptoms

SORSOGON CITY–Sinimulan na kanina ang decampment sa mga pamilyang lumikas dahil sa pag-alburuto ng Bulkang Bulusan.
Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Arian Aguallo, Public Information Officer ng Juban Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sinabi nitong tatapusin ang decampment ngayong tanghali.
Pero hindi umano lahat ng lumikas ay makakauwi na dahil mayroong siyam na pamilyang pinaiwan pansamantala sa Juban gymnasium dahil mayroon pang ilang bahagi ng Barangay Puting Sapa na hindi pa natatapos ang clearing operation.
Maliban dito, mayroon ding dalawang indibidwal ang pinaiwan muna sa Tughan evacuation center para wa isolation matapos makitaan ng flu-like symptoms.
Ayon kay Aguallo, base na rin ito sa rekomendasyon ng Municipal Health Office (MHO) para mamonitor ang lagay ng mga nasabing indibidwal.
Pero sa ngayon umano ay nananatiling stable ang kondisyon ng mga ito at natutugunan ang mga pangangailangan.
Sa huling tala ay umabot sa 148 na mga pamilya o katumba ng 489 indibidwal ang dahil sa patuloy na banta ng muling pagsabog ng Bulkang Bulusan.###

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City
Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City