Mga estudyanteng nagpatala sa early registration ng DepEd-Bicol para sa susunod na school year, umabot na sa mahigit 193K

BNFM BICOL—Umabot na sa 193,141 ang kabuuang bilang ng mga estudyanteng nagpatala para sa early registration ng DepEd Bicol para sa School Year 2022-2023.

Batay sa datus ng ahensya as of April 19, 2022 nasa 95,744 sa  mga ito ang lalaking mag-aaral habang 97,397 naman sa mga nagpatala ay mga babae.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Mula sa nasabing bilang, 41,598 sa mga enrollees ay Kindergarten; 70,318 ay mga Grade 1 students; 43,724 ay Grade 7 habang nasa 42,947 naman ang nasa Grade 11.

Samantala nasa 3,553 naman ang bilang ng mga pampublikong paaralan sa Bicol na nakiisa sa early registration.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Kaugnay nito, patuloy naman ang paghikayat ng DepEd-Bicol sa mga paaralan, mga magulang at mag-aaral na makilahok sa early registration na malaking tulong umano sa ahensya para makakalap ng datus kung ilang mga estudyante ang magbabalik eskwela sa susunod na pasukan.###