Ilang food manufacturers humirit ng hangang P3 umento sa kanilang produkto

Humirit ng umento sa presyo ng kani-kanilang produkto sa Departemnt of Trade and Industry (DTI) ang ilang mga food manufacturers.

Kabilang sa mga gustong magtaas ng kanilang mga produkto ay ang manufacturers ng kape, instant noodles, canned goods, sardinas at gatas.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Umaabot sa 30 sentimo hangang 3 pesos ang hirit na umento ng mga mga kumpanya dahil sa umano’y patuloy na pagtaas ng mga raw materials na ginagamit sa pagproduce ng kanilang mga produkto.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Tiniyak naman ng DTI na mariin nilang pag-aaralan at titingnan kung may basehan ang hiling ng mga food manufacturers.

Siniguro naman ni DTI Usec. Ruth Castelo na hindi magsasabay-sabay ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.