Mga estudyante dagsa sa unang araw ng face-to- face classes, siksikan sa pagpasok sa eskwelahan hindi naiwasan dahil sa nararanasang pag ulan simula pa kaninang madaling araw

CAMARINES NORTE- Dagsa ang mga estudyante sa iba’t- ibang eskwelahan sa lalawigan ng Camarines Norte sa unang araw ng face-to-face classes para sa School Year 2022- 2023.

Hindi naman naiwasan ang pagsisiksikan lalo na sa gate ng eskwelahan dahil sinabayan ng pag ulan ang unang araw ng eskwela.

Mag aalas 7 pa lamang kanina ay dagsa na ang mga magulang at estudyante sa Daet Elementary School, dito sa bayan ng Daet na isa sa pinakamalaking eskwelahan sa lalawigan na sa ngayon ay mayroong hindi bababa sa 3, 500 enrollees.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay G. Sofio Rieza, Principal ng naturang eskwelahan, inihayag nito na wala namang naging gaanong aberya sa unang araw ng pagbubukas ng klase.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Bagamat may ilang mga magulang na nagrereklamong nawawala sa listahan ang kanilang anak, sinabi ni Rieza na nangyayari umano ito lalo na sa mga transferee na hindi agad naipatala.

Gayunman sa pangkalahatan aniya ay naging maayos naman ang pagbubukas ng klase.

Nasa 30 hanggang 35 estudyante ang nagkaklase sa bawat classroom kaya sigurado umanong nasususnod ang health protocols.

Binigyan na rin ng advisory class ang mga guro na dati’y wala upang maiwasan ang pagsisiksikan ng mga estudyante sa eskwelahan

May malalaking box naman ng alcohol bottle  na may sticker ng Daet Elementary School ang ipamamamigay sa mga estudyante na galing sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng eskwelahan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

May mga pakulo daw sanang inihanda ang eskwelahan para sa mga bata pero hindi na ito nagawa kanina dahil hindi na rin ng flag ceremony bunsod ng nararanasang pagbuhos ng ulan simula pa kaninang madaling araw.

Tiniyak naman ng eskwelahan na ligtas ang mga bata sa pagbabalik eskwela sa gitna pa rin ng banta ng COVID- 19. Bakunado na rin ang mga guro at magpapa booster na rin ang karamihan sa kanila.

Ayon pa kay Rieza, maaari ring dumirekta na sa kaniyang opisina ang mga magulang na may katanungan hinggil sa pagbubukas ng klase at mayroon ding nakatalagang guro sa kanilang help Desk.

Sa may ng gate ng eskwelahan ay mayroong Balik Eskwela Police Assistance Desk kung saan may mga naka deploy na PNP personnel.