SORSOGON CITY – Protocols tulad ng sa Covid-19 ang susundin at ipatutupad sakaling magkaroon nang kaso ng monkeypox sa lalawigan.
Ito ang napagkasunduan sa isinagawang Orientation on Monkeypox Virus, Updates on Dengue and COVID-19 cases ng Provincial Health Office (PHO) at Department of Health-Sorsogon kasama ang ilang kawani ng mga RHU, District, Medicare at ilang pribadong ospital sa probinsya.
Ang aktibidad ay isang consultative na pamamaraan upang pag-usapan ang mga paghahandang dapat gawin sakaling magkaroon ng kaso ng monkeypox sa probinsya.
Bukod pa rito, tinitingnan din ang Cabid-an Facility bilang posibleng Monkeypox Facility kung sakali.
Samantala, natanggap na rin ng mga health care workers na kabilang sa mga vaccination team ang kanilang mga incentives.
Matatandaang mula sa P7.00 na kanilang natatanggap noon sa Measles Rubella-Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) ay ginawa itong P10.00 ng Provincial Government.
