Parents Against Vape may paalala sa mga magulang ng mga kabataang gumagamit ng vape

SORSOGON CITY – Patuloy ang kampanya ng grupong Parents Against Vape (PAV) laban sa patuloy na pagkaka-adik ng maraming kabataan sa vape.

Ayon kay Imelda Gocotano Lead Convenor ng nasabing grupo, mga magulang ang unang dapat na pumipigil sa kanilang mga anak sa paggamit ng naturang nakakahumaling na bisyo.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Sinabi rin nito na isang malaking panlilinlang na mas ligtas ito sa sigarilyo dahil marami nang pag-aaral ang napatunayan na katulad ng sigarilyo ay nagdudulot din ito ng sakit parikular na sa respiratory system.

Ito aniya ang dahilan kung bakit patuloy ang kanilang pagkontra sa vape bill lalo na at  plano pang babaan sa 18 anyos mula sa 21 anyos ang pwedeng pagbentahan nito.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Hiling ng opisyal na huwag itong maisabatas dahil kapag nagkataon umano ay tiyak na mas marami pang kabataan ang mabibiktima ng naturang bisyo lalo na ang mga teenagers na siyang pinakamarket ng vape.