Duda ang mga empleyado ng Sofitel sa biglaang pagsasara nito sa darating na July 1.
Sa isang press conference, sinabi ni Arnold Bautista, Pangulo ng National Union of Workers in Hotel, Restaurant, and Allied Industries, kaduda-duda ang nakatakdang pagsasara ng Sofitel gayong hindi naman nalulugi at patuloy na kumikita ang kompanya.
Hindi rin sila naniniwala na renovation lamang ang pakay ng management kung kayat ititigil ang operasyon.
Sa katunayan, hanggang sa 2041 pa ang kontrata ng Philippine Plaza Holdings Inc sa lupang kinatitirikan nito na pagmamay-ari ng Government Service Insurance System o GSIS.
Dahil dito nanawagan sila sa pamunuan ng hotel na magkaroon ng isang dayalogo lalo pa at mawawalan ng kabuhayan ang maraming mga manggagawa.