Mindanao lawmaker, hinimok ang PNP at PDEA na sugpuin ang ilegal na droga sa Davao City

Nanawagan si House Committee on Dangerous Drugs Chairperson at Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers sa Philippine National Police at PDEA na tumulong sa pagsugpo sa source ng ilegal na droga sa Davao City.

Ito’y matapos lumabas ang ulat na tatlumpu’t pitong personnel ng Davao City Public Safety and Security Office ang nagpositibo umano sa ilegal na droga.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ayon kay Barbers, kahit sa Davao naninirahan ang numero unong kalaban ng ilegal na droga ay hindi pa rin ito nakaligtas kaya patunay na seryoso ang problemang ito.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Kailangan aniya ang whole-of-nation approach kaya dapat tiyaking walang sasantuhin ang mga awtoridad upang matukoy ang ugat ng suliranin.

Sinuportahan din ng kongresista si Davao City Mayor Baste Duterte sa paglaban sa ilegal na droga dahil nauunawaan umano nito ang problema bilang dating gobernador ng Surigao del Norte.