Buo ang suporta ng mga empleyado ng Commission on Elections (Comelec) para sa kanilang chairman si Comelec Chairman George Garcia.
Ito ay sa gitna ng kinahaharap na mga alegasyon ng komisyon at ni Garcia hinggil sa umano’y anomalya sa kontrata sa Miru System Company Limited para sa 2025 election.
Nagpahayag ng kanilang suporta ang mga key officials ng ahensya at mga regional at provincial directors kina Garcia at sa anim na iba pang commissioner kasabay ng bribery allegations laban sa mga ito.
Sa official statement na binasa ni COMELEC spokesman Rex Laudiangco, sinabi nitong nagkakaisa sila para tutulan ang mga pagtatangka para manggulo sa kanilang paghahanda para sa nalalapit na halalan.
Ang mga pag-atake umanong ito ay naglalayong hadlangan ang pagsusumikap ng Comelec na pangalangaan ang sistema ng botohan.
Sa kabila aniya nito, mananatili ang kanilang katatagan para sa hinahangad na palakasin ang tiwala ng publiko, pagtupad sa kanilang tungkulin, at pagtiyak sa tapat at malayang halalan.
Binigyang-diin din Laudiangco na gaya ni Garcia, ay handa ang buong Comelec na harapin ang ‘walang basehan’ na mga paratang.
Samantala, umapela naman si Elections Commissioner Socorro Inting sa mga nag-aaakusa sa Comelec na huwag mag-marites, at idaan ang korte ang isyu.