Ipinatupad ng ilang mga universidad sa China ang paghihigpit sa paggamit ng Artificial Intelligence o AI.
Graduation season na rin kasi doon ngayon kung saan ay aabot sa 11.7-million college students ang magsisipagtapos mula noong nakaraang Mayo hanggang Hunyo.
Kasabay nito ay nagbigay ng hakbang at aksyon ang ilang unibersidad sa China ukol sa patuloy na paggamit ng AI tools ng mga college student.
Ayon sa Fuzhuo University noong Abril, ang lahat ng undergraduate theses students na magtatapos ngayong taon ay sasailalim sa masusing pagsisiyat para malaman kung AI-generated ba ang kanilang papel bago ito isumite.
Pahayag ng universidad na ang pagpapalawig ng AI trial detection system na ito ay para mapagtibay ang integridad, pagiging etikal at pagsulong ng kalidad ng edukasyon.
Dagdag pa rito, ang magiging resulta ng pagsisiyasat ay maaring gawing basehan sa pagsusuri ng thesis ng mga estudyante, at sa pagpili ng “outstanding undergraduate theses”.
Sa Tianjin University of Science and Technology naman, ipauulit ang kanilang thesis kung lumbas na 40% ng kanilang papel ay AI-generated.
Matatandaan noong nakaraang taon ng August, mayroon nang isinumite na batas sa Standing Committee of the National People’s Congress na nagbabawal sa paggamit ng Artificial Intelligence or AI.
Sa ilalim nito, sinasabi na babawiin ang “academic degree” kung mapatutunayan na lalabag sa anumang academic misconduct kagay ng ghostwriting, plagarism or falsification. (Rauvic Cifra – Brigada News Intern)