Mga effigy ng mga magra-rally sa Lunes – ipinasilip

Ipinasilip ng Bagong Alyansang Makabayan ang mga effigy na gagamitin para sa kanilang programa, kasabay ng SONA.

Makikita rito ang tinatawag nilang ‘Umbagang Pilipinas’.

Read More:  Padilla calls for social media ban on youth amid rising school violence

Pinakita na rin ang beach ball na paiikutin sa mga makikilahok sa programa. Ito’y tinawag nilang ‘Bolang Pilipinas’.

Sa naging panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Bayan secretary-general Mong Palatino kahapon, sinabi nitong sumisimbolo ito sa tila’y pagpapa-ikot ng Gobyerno sa mga Pilipino.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Una nang nagbabala ang PNP na mahigpit nilang ipagbabawal ang pagsusunog ng mga effigy sa mga rally sa Lunes.