Full-alert status, itataas ng NCRPO simula sa para sa SONA

Itataas ng National Capital Region Police Office sa Linggo ang kanilang full alert status bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes.

Ayon kay NCRPO chief at Task Force SONA commander Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. nasa 23 thousand na mga pulis ang ide-deploy upang matiyak na magiging mapayapa ang mga aktibidad kasabay ng SONA.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Kanina, isinagawa na ang send-off ceremony sa mga pulis at reserve force sa headquarters ng Quezon City Police District.

Sa kabuuang bilang ng deploymnet, 8 thousand sa mga pulis ang itatalaga sa Commonwealth avenue at sa IBP road at tututuok sa paligid ng Batasang Pambansa complex.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Sinabi ni Nartatez, ipatutupad ang maximum tolerance at nakalatag na rin ang contingency plans sa tinatayang 18, 000 na mga anti at pro-government rallist na magsasagawa ng mga pagkilos sa Lunes.

Wala naman banta natatanggap ang NCRPO hanggang sa kasalukuyan.