Pinayuhan ng ilang mga doktor ang gobyerno na huwag munang magmadali sa pagpapababa ng alert level status bansa.
Babala kasi ng mga ito, posibleng magdulot ang naturang hakbang sa muling pagtaas sa mga kaso ng COVID-19, sa oras na maging kampante na ang mga tao.
Ayon kay Dr. Maricar Limpin, presidente ng Philippine College of Physicians, na nakikita na ngayon sa mga ospital ang pagbaba sa bilang ng COVID-19 patients, pero ang bilang ng active cases ay posibleng “underestimated” dahil may ilang tao na ayaw magpatest.

Una nang sinabi ni Secretary Francisco Duque III na posible nang luwagan ang restrictions sa bansa, at isailalim sa pinakamababang alerto, sakaling magtuloy-tuloy ang pagbaba ng infections.