Mga doktor na nagreseta ng ivermectin sa Quezon City, maaring mawalan ng lisensya – PMA

Inihayag ng Philippine Medical Association na maaring masuspindi o mawalan ng lisensya ang mga doktor na nagreresenta ng ivermectin bilang COVID-19 treatment sa mga distribution programs sa ilang barangay.

Sinabi ni Dr. Oscar Tinio, spokesperson ng grupo, na natukoy na nila ang apat na doktor na nakibahagi sa distribusyon ng ivermectin.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Anya, hinihintay pa ng PMA ang ethics committee na imbestigahan ang naturang insidente.

Una nang sinabi ng PMA na pwede lamang resetahan ng ivermectin ang mga pasyente sa limang ospital na napagkalooban ng compassionate use permits ng Food and Drug Administration.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Matatandaan na tinuloy ng mga mambabatas na sina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta ang kanilang ivermectin distribution program sa kabila ng ilang ulit na babala ng health officials laban sa nasabing inisyatibo.