Mga dog owners sa Naga City, muling pinaalalahalan ukol asong gala

NAGA CITY – Muling pinaalalahanan ng Barangay Council sa Naga City ang mga dog owners dahil sa mga perwisyong dala ng kanilang mga alagang aso kapag nakakagala.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Barangay Kapitan ng Panicuason, Domingo Ramos, sinabi nitong hanggang ngayon kasi malaking problema pa rin ito para sa kanila lalo na’t pagkagabi na hinahayaan lamang ng ilang may-ari na makalabas o makagala at hindi man lang tinatalian ang kanilang mga aso, kung minsan nakakakagat na, tinatakasan pa ng ibang owner, dumudumi pa kung saan-saan at nagkakalat pa ng mga basura sa kalsada.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Diin pa ng opisyal na huwag na lamang aniyang mag-alaga ng marami kung hindi kayang pangalagaan o ang maging responsable.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Nakapag-request na rin sila sa Naga City Veterinary Office upang magsagawa na muli ng Dog Pounding sa barangay kaya lamang sa ngayon ay hinihintay pa nila.

Paraan na rin kasi ito upang makontrol at bawasan man lang ang mga galang aso sa lugar lalo na’t napakaraming dog owner sa barangay.