BINATA SA SAN FERMIN, CAUAYAN CITY NA SANGKOT UMANO SA PAGNANAKAW, ARESTADO

Aabot sa P50,000 na halaga ng mga alahas ang nakulimbat ng isang binata sa Panaga st., San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa PNP Cauayan, kinilala ang suspek na si alyas John, 18 anyos.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, kapitbahay at pinsan ng asawa ng biktima ang suspek kaya’t malayang nakaka-labas pasok sa bahay ng biktima.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Nadiskubre ng biktima na nawawa ang kaniyang mga relo at bracelet, maging ang P3,500 na cash nang naghahandang pumasok sa kaniyang trabaho.

Nasaktuhan naman ang suspek na palabas sa tirahan ng biktima kaya’t minabuti nilang komprontahin agad tungkol sa mga nawawalang kagamitan.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Inamin ng menor-de-edad ang kaniyang ginawa at ibinalik ang ninakaw na alahas at cellphone subalit hindi na niya naisauli ang perang tinangay nito.

Dinala na sa Cauayan Police Station ang suspek para sa tamang disposisyon at dokyumentasyon.