Gumamit ang mga pulis sa Melbourne ng pepper balls at rubber pellets laban sa tinatayang 2,000 rallyista na sumuway sa stay-at-home orders ng Australya sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Humantong ang rally sa pagkakaaresto ng 60 na indibidwal at pagkakapinsala ng tatlong alagad ng batas.
Ito na ang ikalawang beses na nagdaos ng demonstrasyon ang mga tao sa gitna ng lockdown ng siyudad, matapos ipasara ng mga otoridad ang mga construction sites sa loob ng dalawang linggo dahil sa paniniwala na mabilis na kumakalat ang virus dahil sa galaw ng mga trabahador.

Tumagal naman ng walong oras ang demonstrasyon kung saan ay namato ang mga rallyista ng mga bato, bote, at flares sa mga pulis.
Makikita rin ang ilang videos sa social media ang pag-atake ng mga demonstrador sa mga police cars, na napapaligiran ng mga otoridad na may suot na riot gear.
Samantala, sa Victoria naman ay napaulat ang 603 na bagong infections, na pinakamataas na naitala ng Australya ngayong taon.