Mga defective traffic lights sa Naga City, hindi pa mapapalitan – PSO

NAGA CITY – Hindi sa ngayon mapapalitan ang mga defective traffic lights sa lungsdo ng Naga, sa kabila ng kahilingan at ilang pambabatikos na rin sa bagay na ito.

Ayon kay Executive Director ng Naga City Public Safety Office, Renne Gumba, malinaw sa kanila na kailangan ito ng lungsod, kahit na nagpasa na sila ng mga design at nakiki-usap sa mabilis na proseso, kaya lamang sa ngayon hinahanapan pa ng budget lalo na aabot din lahat sa 40 milyon ang pondong magagamit kasama na ang pagbili at pagpalit din sa mga surveillance camera o CCTV na ilalagaya sa entrance at exit ng lungsod at sa iba pang parti.

Matatandaan na matagal na rin itong hinihingi at problema ng PSO, kaya lamang ang bagay na ito ay hindi mapapabilis. Sa ngayon habang wala pa, mahigpit ang pagbabantay ang ginagawa lalo na kapag gabi, kahit ang schedule ng trabaho ng mga personahe hanggang alas 10 na ng gabi ang iba bilang pagbibigay ng seguridad lalo na ngayong mayroong mga aktibidad sa lungsod ng Naga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *