Irrigation system na hindi umano napapakinabangan ng ilang farmers association sa Camarines sur, ivavalidate ng NIA Bicol

CAMARINES SUR – Ipapavalidate, under verification at ipapacheck muna; yan an naging kasugutan ng National Irrigation Administration Bicol, sa umano’y hindi mga operational na Irrigation System at iba pang gamit na hindi napapakinabangan ng ilang farmers association sa Camarines Sur, sa isinagawang ika-apat na Kapihan sa Bagong Pilipinas.

Ayon kay Engr. Eden Kris Cuya, Planning and Design Section Chief kan NIA-Bicol, baka kasi hindi pa naisasali sa mga nagpapatuloy na proyekto at programa ng NIA, kaya mayroon pang mga nagkakaproblema.

Reklamo ito ng ilang magsasaka sa Nabua at sa Barangay Bagadion, Libmanan, na maliban sa walang tubig mula sa NIA, may mga gamit na nai-turn over na hindi nagagamit gaya ng molinuhan, traktor at iba pa.

Ang Department of Agriculture Bicol naman sa pamamagitan ni Love Guarin, Tagapagsalita ng opisina, sinabing ang bagay na ito ipapacheck nila, lalo na bago naibibigay ang mga gamit sa isang asosasyon dumadaan sa training, assessment at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *