Mga darayo sa Pasacao , Camarines Sur inabisuhang huwag na munang tumuloy dahil lakas ng alon dulot ng Habagat

CAMARINES SUR- Inabisuhan ng lokal na pamahalaan ng Pasacao, Camarines Sur ang publiko na huwag na munang dumayo sa mga beach resort dahil sa lakas ng alon dulot ng hanging Habagat.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Mayor Jojo Bengua. Aniya nakabantay na rin ang MDRRM , una na kasing sinabi ng PAGASA ang paglakas ng Habagat.  Lalo pang-pinag iingat ang lahat dahil may nalunod sa Barangay Balogo, sinawimpalad ang nagligtas na nalulunod nitong Biyernes.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Inabisuhan din ng alkalde ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot kung masungit ang panahon.