DEPED Bicol, umapela sa mga Bicolano na tulungan at suportahan ang isasagawang fun run

LEGAZPI CITY – Pinaplano ngayon ng Department of Education (DEPED) Bicol na magkaroon muli ng fun run upang masuportahan ang mga manlalarong ipapadala sa Palarong Pambansa 2023.

Dahil dito, umaapela ngayon si DEPED Bicol Regional Director Gilbert Sadsad na tulungan at suportahan ang kanilang aktibidad upang makapagbigay ng malaking insentibo sa mga manlalaro na makakasungkit ng gold medal sa Palarong Pambansa.

Nilinaw ng ahensya, ito ay boluntaryo at hindi sapilitan.

Dagdag pa nito, hindi na rin kakayanin ng ahensya ang pagbigay ng insentibo kung kaya’t kailangang gumawa ng paraan upang matulungan ang mga manlalaro.

Nanawagan ngayon ang DEPED sa mga stakeholders, government agencies at iba pa na tulungan silang makalikom ng malaking pondo upang mabigyan ng parangal ang mga manlalaro para sa kompetisyong gaganapin sa Marikina City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *