Mga bumibili ng bulaklak sa Cauayan City, pailan-ilan palang

Pailan-ilan pa lamang ang mga bumibili ng mga bulaklak sa ilang flower shop sa lunsod ng Cauayan ngayong paggunita ng Undas.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Ginang Josephine Rumabao may-ari ng flower shop sa lunsod, kapareho lang ang bentahan noong nakaraang taon kung saan iilan lang ang mga nagtutungo sa kanilang tindahan para bumili ng bulaklak.

Ayon sa kaniya, karamihan din sa mga tao ay nagtitipid sa ngayon kaya ang mas pinipiling bilhin ang pinakamurang tindang bulaklak na sa 150 pesos.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Kahit paano ayon sa kaniya marami na rin ang dumalaw nitong nagdaang Sabado maliban lang kahapon, araw ng Linggo dahil sa naranasang pag-ulan.

Umaasan naman ito na sa mga susunod pa araw ay dadami ang bibili lalo pa’t magsasara ang mga pampubliko at pribadong sementeryo simula October 29 hanggang November 4, 2021.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ayon sa kaniya kapag may mga hindi pa naman nakadalaw sa kanilang mga yumaong kaanak bago ang temporary closure ay umaasa siyang mayroon pa ring bibili pagkatapos nito.

Dagdag pa ni Gng. Rumabao na malaking pagbabago talaga ang idinulot ng pandemic kumpara sa mga nakalipas na taon na paggunita ng undas kung saan dagsaan ang bumibili.