Mga botante, pinaalalahanang i-check muna nang maigi ang balota

Nagbigay ng paalala ang Commission on Elections sa mga botante na suriing mabuti ang mga matatanggap nilang balota sa Lunes bago sila mag-umpisang mag-shade ng mga nais na iboto.

Sa isang panayam, sinabi ni COMELEC Spokesperson Dir. James Jimenez na bago umupo ang isang botante, kinakailangan muna nitong inspeksyuning maigi ang kanyang matatanggap na balota.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Tignan umano kung mayroon itong damage, ‘o di kaya nama’y mayroon nang mga shade sa mga pangalan ng kandidato.

Paliwanag ni Jimenez, sa oras kasi na tinanggap na ng isang voter ang balota at umupo na ito para bumoto, hindi na ito maaari pang ibalik sa mga election personnel.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Sa ngayon, kumpleto nang naihatid ang nasa 65.745Million official ballots sa mga polling precints.

One ballot per one voter ang ipinatupad ng COMELEC ngunit tiniyak ni Jimenez na mayroon pa ring mga sosobrang balota sakali mang mayroong mga problema sa mga makukuha ng isang botante.
#