COMELEC, nagbabala ng disqualification sa mga kandidatong ‘di magffile ng SOCE

Nagbabala ang Commission on Elections na grounds for disqualificaiton ang hindi pasusumite ng statement of contribution and expenditures o SOCE ng isang kandidato.

Ito ang inihayag ni COMELEC Commissioner George Garcia matapos ang ulat na mayorong nasa 500 mga pulitiko ang maaaring ma-disqualify dahil sa kabiguan nitong mag-file ng SOCE.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ayon kay Garcia, mayroon lamang na hanggang dalawang offense ang isang kandidato – sa ikalawang beses nitong hindi makapagsumite ng SOCE ay papatawan na ito ng perpetual disqualification mula sa kahit na anong public office.

Ang limang daang pulitiko na ito raw ay dalawang beses nang nabigo sa pagbibigay ng SOCE sa nagdaang mga eleksyon noong 2016 at 2019.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Dahil dito, binalaan niya ang iba pang mga kakandidato na magsumite na ng SOCE kung ayaw nilang magaya sa mga ito.

Paliwanag ni Garcia, kinakailangang malaman kung sumobra ba sa limit ng paggastos sa kampanya ang isang pulitiko at kinakailangan ding alamin kung sinu-sino ang kanialng mga campaign contributors.
#