PNP – mas mababa ang election-related violence ngayong taon

Umabot na sa 56 ang bilang ng mga violent incidents sa Pilipinas, ilang araw bago ang mismong halalan sa Lunes.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, sa naturang bilang, 14 lamang dito ang kumpirmado at vaildated na ‘election-related violence’; 30 ang walang kaugnayan sa halalan; habang 12 ang iniimbestigahan pa.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Sa 14 na confirmed election-related violence, lima ang nagmula sa Central Luzon, apat sa Ilocos Region; tatlo sa Region 9; at tig-isa naman sa Region 10 at sa CAR.

Sa kabila nito, kinumpirma ni Fajardo na higit na mababa ito kumpara sa mga nagdaang eleksyon.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Noong 2016 national elections daw kasi, nakapagtala ang PNP ng 133 na election-related violence; habang 60 naman noong 2019 midterm elections.

Sa huli, muling tiniyak ni Fajardo na katuwang ang AFP at Philippine Coast Guard ay handang-handa na sila sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad para sa halalan.
#