PBBM, personal na bumisita at nakiramay sa mga biktima ng landslide dulot ng Bagyong Kristine sa Talisay, Batangas

Personal na bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Brgy. Sampaloc, Talisay Batangas kung saan mismo nangyari ang landslide na dulot ng Bagyong Kristine na naging dahilan ng pagkasawi ng 20 na indibidwal.

Nagdaos ng misa para sa pag-aalay ng dasal sa mga nasawing biktima ng landslide.

Nagtirik din ng kandila at panalangin ang pangulo para sa mga nasawing indibidwal.

Dumiretso ang Pangulo sa Talisay Municipal Hall kung saan, pinangunahan ang pamimigay ng tulong pinansyal para sa mga magsasaka, mangingisda, at mga pamilyang lubos na naapektuhan ng nagdaang bagyo.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Nagpaabot din ng cheque na nagkakahalaga ng P10-M pesos mula sa Office of the President para sa mga munisipalidad ng Agoncillo, Talisay, Lemery, Cuenca, at Balete.

Bukod pa rito, kasama sa ipinamahagi ang 159 na housing kits na nagkakahalaga ng P6-M mula sa Metrobank Foundation.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Samantala, sa pakikipanayan ng Brigada Batangas sa mga pamilya na lubos na naapektuhan at nawalan ng bahay – sila’y nagpapasalamat sa tulong na kanilang matatanggap bilang panimula at hakbang sa pagbangon sa iniwang pinsala ng Bagyong Kristine.

Sa bisa ng Proclamation no. 728 series 2024 idineklara ng Pangulong Bongbong Marcos ang Nombyembre 4 bilang National Mourning bilang pakikiisa at pakikiramay sa mga naulila at naiwan ng biktima na nasawi dulot ng Bagyong Kristine. (WITH REPORTS FROM KRISTINE LIZARDO – 104.7 BNFM BATANGAS)