Mga binaha sa Topland, Koronadal, natulungan sa pamamagitan ng Kabrigadahan!

KORONADAL CITY — LABIS ang pasasalamat ng apat na pamilyang naapektuhan ng pagbaha mula sa Purok Lower New Leyte, Barangay Topland, Koronadal sa tulong na natanggap ng mga ito sa pamamagitan ng “Kabrigadahan” ng Brigada News FM Koronadal.

Kahapon, inabot Brigada News FM Koronadal ang tulong na naipon para sa mga binaha na kinabibilangan ng mga relief goods, cash assistance, mga gamit sa bahay at iba pa.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Sa panayam naman ng Brigada News FM Koronadal kay Mercedita Cantor, isa sa mga nawalan ng bahay dahil sa pagbaha, kinumperma nitong wala silang nailigtas na mga gamit dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig dala ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Una rito, dalawang bahay ang sinira ng tubig baha habang dalawang iba pa ang partially damage sa nasabing kalamidad.