NAGA CITY – Nakatutok ngayon ang mga personahe ng City Engineer’s Office sa mga isyu ng pagbabaha sa mga paaralang pangpubliko sa Naga City na may mga problema sa drainages at mga lumang kanal na ang iba ay naayos na, may under rehabilitation at ay popondohan pa lamang ng mga barangay.
Sa pahayag sa media at sa Brigada News FM Naga sinabi ni City Mayor Son Legacion, binanggit na naglabas na siya ng kautusan kay Engr. Alexander Caning, head ng engineering office para i-double chek ang problema sa mga drainages at kung bakit nagkakaroon pa rin ng pagbabaha sa kabila ng kaliwa’t-kanang programa ng lokal na pamahalaan laban sa baha.
Kabilang na ang Julian Meliton Elementary School,Triangulo Elementary at iba pang mga paaralan na nasa low lying areas, bukod diyan sa mga barangay sa sentro ng lungsod na binabaha na rin .