Mga binabahang lugar sa Naga City mas bibigyan ng atensyon ng mga uupong barangay opisyal

NAGA CITY – Ang mga bahaing lugar sa Naga City ang pangunahing tututukan ng mga uupong barangay opisyal, lalo na ngayong halos araw-araw ay umuulan sa lungsod.

May mga on-going flood control projects ang lungsod, mga drainage canal, sa ilang barangay, tulad na lamang sa Barangay Balatas, Calauag, bukod pa sa road widening projects na ipinatutupad sa del Rosario.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Ang mga paaralan naman na madaling bahain ay ang Julian Meliton Elementary School sa Concepcion Pequeña, Mabolo Elementary School, Triangulo Elementary School.

Mga low lying areas ang mga nabanggit ng mga paaralan, kaya madaling bahain kahit ganitong paunti-unti ang ulan.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Nakaantabay naman ang emergency response team ng City Disaster Risk Reduction Managament Office sa anumang mga kaganapan sa naturang mga barangay.

Ayon kay Liga Pres. Corazon Peñaflor, ng Barangay Calauag, may mga nakahanda na rin silang mga hakbangin ng mga kasamahang barangay opisyal sakaling lumakas pa ang ulan at magkaroon na naman ng mga pagbabaha sa kani-kanilang lugar.