Mga Bicolanong tsuper, operator at kanilang mga kapamilya, hinikayat na mag-apply para mapabilang sa mga benepisyaro ng ‘Tsuper Iskolar Program’

BICOL – HINIHIKAYAT ngayong L Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang mga Bicolanong tsuper, operator at kanilang mga pamilya na ngnanais na mapabilang sa  ‘Tsuper Iskolar Program’ nng DOTr at TESDA.

Ang Tsuper Iskolar Program ay bahagi ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na isinusulong ng pamahalaan

Sa ilalim nito, ang mga tsuper at operator ng mga PUVs ay mabibigyan ng libreng training, skills assessment, at financial support gayunsin may opsyon ang mga itong ipasa ang nasabing grant sa kanilang mga anak, kapatid o kamag-anak.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Bukod pa rito, malaya ring makakapamili ang mga benepisyaryo ng nais nilang training course sa TESDA gaya ng pagmamaneho, pagmemekaniko ng sasakyan, o sa construction.

Lahat din ng sasailalim sa pagsasanay na tatagal ng 30 hanggang 35 araw ay tatanggap ng P350.00 na daily allowance para sa kanilang mga gastusin sa pagkain at pamasahe.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Samantala, makikita naman ang kumpletong listahan ng mga kurso sa ilalim ng ‘Tsuper Iskolar’ sa official website ng TESDA habang naka post  naman sa fb page ng LTFRB-Bicol ang link para sa application form na sasagutan at isa-submit ng mga interesadong aplikante ng programa.